"ONE WHOLE SHEET OF PAPER"






Kakaumpisa palang ng first subject at nagpakuha na agad si Ms. Garcia ng one whole.
"Class quiz tayo, 1-50." sabi nito na may diin sa bawat salita.
"Luuh ma'am!"
"Di kami infooormed."
"Andayaa naman ma'am"
Sunod-sunod na reklamo ng mga kaklase ko. Napabuntong-hininga na lamang ako dahil kahit ako hindi rin nainform.
"Oh bakit? Surprise quiz 'to. Kala niyo kayo lang may pasurprise sa tuwing monthsary niyo ng mga jowa niyo. Huh! Kami rin 'no, kaya huwag na kayo magreklamo." Banat ni Ms. Garcia na ikinitahimik ng lahat.
" Belle, nagreview ka ba?" bulong nitong katabi ko.
" Wala nga eh," sagot ko.
" Jusko sana swertehin tayo sa pag 1-2-3" sabi niya na ikinatawa ko.
"Okay class number one..."
Habang patuloy na nagdidikta si Ms.Garcia ng mga tanong, inikot ko naman ang paningin ko sa buong klase, hinahanap ng paningin ko si Ian. Mukhang lahat ata kami na-surprise talaga sa quiz na 'to.
Tinitigan ko ang papel ko na kaunti pa lamang ang nasasagutan, nang may naisip akong kalokohan.
Sa bandang gilid ng papel ko ay may nakasulat na
No.
Date:
Naisipan kong pagtripan lagyan ng "No gf? Date me!"
Bwahahaha bahala na kung sino maka-check ng papel kong 'to.
'Bakit kapag sa kalokohan ang talino ko? huhuhuhu'
Ilang minuto rin ay natapos na kami, pinaikot sa buong classroom ang mga papel namin para mag-check.
'Sino kaya nakahawak sa papel ko? Sana si Ian hihihi'
Ilang segundo lang rin ay natapos na kaming mag-check.
"Okay, kung sino man may tanong feel free to stand up and ask." Ani Ms. Garcia.
Nagulat ang lahat, kahit ako, nang biglang tumayo si Ian.
'Kinakabahan naman ako sa kaniya.'
"Yes Mr. Velasco? What's the matter?"
tanong ni ma'am.
"I'm sorry but I feel bothered." sabi nito habang nakakunot ang noo.
" Why?"
"Can I request Ms. Reyes to stand up." tugon ni Ian kaya lahat sila nagtinginan sakin ng may pagtataka.
"What's wrong Mr. Velasco?" tanong ni Ms. Garcia.
" Hoooy belle"
"yieeee ikaw ahh"
"tayo ka na daaaw yiee"
Pang-aasar ng mga kaklase ko kaya agad ko silang sinenyasan na tumigil.
"A-ahh ehh bakit Ian?" nauutal kong tanong saka tumayo.
"Pabebe belle ahh"
"yieeee nauutal"
Patuloy na pang-aasar ng mga mokong na 'yun.
" You asked me if I have a girlfriend?" tanong ni Ian habang direktang nakatingin sa'kin.
"Ooohhhhh"
"Pasimple ka belle ahhh"
'Mga siraulo!'
"E-excuse me? I don't know what you're talking about." sagot ko.
"Englishaaan naa"
" Halaaa ayan naa"
"Nosebleed mahmen"
"Class quiet!" saway ni Ms. Garcia sa kanila, "let them talk" sabi pa nito na parang kinikilig.
"It's written on your paper" muling nagsalita si Ian.
'Omg!' Naalala ko yung kalokohan ko, siya pala nakahawak ng papel kooo?'
Natulala ako't di na maka-sagot.
"Gusto mo pala ako huh?" sabi nito saka ngumiti.
'Kalma puso!'
"Pasimple ka pa, halika nga." sabi niya saka hinatak ako papunta sa front.
"Halaaaa yueeee"
"Ooohhhhhh"
" Namumula si belle!'
Hiyawan ng mga kaklase ko na halos umabot sa lobby sa sobrang lakas, kahit si ma'am kinikilig na rin.
"Smooth kang gumalaw ah" sabi nito saka tumawa
'Sarap sa ears ng tawa niya huhu Ian please continue'
Natulala ako dahil sa sobrang kilig, natameme ata ako.
"Kung tatanungin mo 'ko sana sa personal, sasagutin ko naman" sabi niya sabay hawak sa kamay ko.
"A-ano naman sagot mo?"
" Oo, wala akong gf, magkakaroon palang. At dahil sa nag first move na siya, ako naman gaganti." Ani niya.
"A-ano?" tulala ko paring sagot.
" Belle Reyes, may bf ka na ba? Kung meron, aagawin kita sa kaniya pero kung wala, sa akin ka na. Liligawan kita." sabi nito
Naghiyawan, nagtilian ang mga kaklase ko dahil sa sobrang kilig habang si ma'am ay tawang tawa.
" I do na agad Ian!!" sigaw ko sa kaniya. Dahil sa sinabi ko'y biglang nagtawanan silang lahat.

#HAPPYPILL
#RoadTo1K
©CarolineMorgan
@wattpadclassics
@snowtimes

fb.me/wattpadclassics

1 comment

  1. ujjhuyhhj