
Tila masaya ang pagtitipon ng mga Pinoy sa San Francisco, California sa ika-10 taon ng Filipino Heritage Night matapos ang laban ng Golden State Warriors (GSW) at Phoenix Suns sa NBA elims kung saan nagwagi ang huli, 115-111,
Sa araw na iyun ay inilunsad ang ‘Sharp Sunday Line-up’ at ayon sa mga ulat ay masayang nagsilahok dito ang mga Pinoy na barbero mula sa National Filipino Barbers Association (NFBA) at nagsagawa ng libreng gupit para sa mga dumalo na nais magpatabas ng kanilang buhok.
Nakatutuwang panoorin na ang ilang fans ng GSW ay nagpaahit pa sa kanilang ulo ng logo ng koponan — isang tanda ng dedikasyon sa sinusuportahang team – at bilang pakikilahok na rin sa kompetisyon. Ngunit nabalot ito ng kontrobersiya pagkat maganda man ang layuning ng event, hindi naging kalugud-lugod para sa marami ang paggamit ng bandila ng Pilipinas bilang pantabing o barbers cape.
Bakit hindi na lang blue at red na cape; reaksyon ng ilan. Huwag lang mismong disenyo ng bandila.

Sa panayam sa asawa ng founder ng NFBA na si Honey Mallari, ayon sa report ng Inquirer, sinabi umano nito na layunin nila na pagbuklurin ang mga barberong Pinoy sa Amerika. Kaugnay nito, maganda rin umano kung madadala ang mga Fil-Am barbers sa Pilipinas upang makapagdaos ng libreng paggupit at makalahok din sa mga kompetisyon na maaaring maganap.
Sa video na ibinahagi ng Golden State Warriors sa Twitter, nakita ng marami na ginamit sa barbers cape ang disenyo ng bandila ng Pilipinas at umani ito ng hindi magandang pagpuna, lalo’t higit sa mga mamamayan ng bansa.

Nagresulta ito sa pagkalat ng mga larawan na nagpapahayag ng reaksyon sa paggamit ng disenyo ng bandila bilang panalo sa buhok ng mga nagpapagupit.
Matatandaan na noong 2017 ay sinabi ng NBA team chief marketing officer na 44% ng Golden State Warriors followers sa Facebook ay mga Filipino. Ibig lamang sabihin na maraming masusugid na tagahanga ang koponan. Bakit naman ginawang barbers cape ang bandila ng bansa?
“Heritage 2019. Golden State Warriors, ginawang barber cape ang Philippine flag!!! How silly they could be!!! THIS IS DISRESPECT!!!” ayon kay FB user Luis Napoleon Rodriguez Sol III na isa lamang sa mga nagulat sa pangyayari.
Samantala, narito naman ang video na ibinahagi ng TFCBalitangAmerica sa kanilangYouTube account: