Posts

Kabit, Umamin sa Kasalanan at Naghamon pa sa Legal na Misis!

 

Isang kakaiba at pambihirang eksena ang nasaksihan ni Raffy Tulfo sa kanyang programa kung saan, inamin mismo ng kabit ang pagiging kabit nito sa harap ng legal na misis. Ayon pa sa nagrereklamong legal na asawa, ang naturang kabit pa raw mismo ang naghamon na magharap silang dalawa sa programa ni Tulfo.

Hindi na raw matiis ni Richelle Tan ang ginawang panghahamon at lantarang pananakit sa kanya ng kanyang asawang si James Tan at kabit nito na si Honeylet Ermitanio.

Ayon kay Richelle, hindi niya umano maintindihan kung bakit hindi mahintay ng naturang kabit na ma-anull ang kasal nila ng mister bago nito ipaglandakan ang pagiging kabit nito. Masakit daw sa kanya na makita na maging ang anak niya ay isinasama ni Honeylet sa mga larawan sa sariling bahay pa umano ni Richelle.

Matapang din umano ito at siya pang naghahamon ng demandahan at na magharap sila sa programa ni Tulfo. Saad pa raw ni Honeylet, hindi ito natatakot na makulong.

Depensa naman ni Honeylet sa mga paratang na ito ni Richelle, matagal niya na umanong inihingi ng tawad ang kanyang pagiging kabit sa asawa ni Richelle. Ngunit, ito raw ang hindi pa rin tumitigil sa mga paratang sa kanya at minsan pa raw na isinali ang kanyang mga anak.

Dagdag pa ni Honeylet, desisyon umano ni Richelle na makipaghiwalay sa kanyang asawa kaya huwag daw nitong isisi sa kanya kung bakit sila naghiwalay nito. Kung gugustuhin din daw ni Richelle ay binigyan niya pa ito ng payo dati na ayusin ang kanyang pamilya dahil wala rin siya sa bansa noon.

“Inaamin ko, kabit ako. Inaamin ko, may kasalanan ako. Pero huwag lahat… huwag lahat isisi sa akin…

“Inamin ko po ‘yan sa kanya nun, sir, dahil malaking pagkakamali ‘yan. Ako po ‘yung tao, sir, na umaamin. At humingi po ako ng tawad dahil d’yan sa nagawa kong ‘yan,” pagbabahagi pa ni Honeylet.


Dagdag pa nito, hiwalay na rin daw sila ng asawa ni Richelle na kanyang naging karelasyon. Ngunit, hindi naniniwala rito si Richelle dahil mayroon daw itong mga ebidensya na magpapatunay na magkarelasyon pa rin ang mga ito.

Depensa pa ni Richelle, naghiwalay man sila ng kanyang asawa ngunit ito naman umano ang naging dahilan kung bakit siya nakipaghiwalay dito. Humingi nga ito ng tawad ngunit hindi biro ang sakit na ibinigay ng mga ito sa kanya, dagdagan pa ng pagiging matapang nito ngayon na maghamon sa kanya.

Kaya naman, gusto ni Richelle na madeport o ma-blacklist daw si Honeylet na nasa ibang bansa ngayon. Kung maaari ay gusto niya rin daw na makulong ito dahil sa kasalanan na ginawa sa kanya ng mga ito.

Ngunit, hindi pabor kay Richelle ang batas na mayroon ngayon sa bansa. Ayon kasi kay Atty. Garreth, hindi maaari ang gusto nito na makulong si Richelle dahil hindi ikinukulong ng batas ang mga kabit kundi ang lalaking nangaliwa. Ibig sabihin, maaaring makulong si James ngunit hindi ang kabit nito na si Honeylet.

Dahil dito kaya gaya ni Richelle ay hindi na rin napigilan ng mga netizen na manggigil dahil nakalusot at ligtas umano sa kanyang kasalanan ang kabit kahit na nararapat din itong parusahan.

Panoorin ang buong video dito!

Post a Comment