Posts

May Pahayag si Lolit Solis Ukol sa Isyu ng Hiwalayan Nina Derek Ramsay at Andrea Torres

Nalulungkot umano ang chismosang beteranang showbiz columnist na si Lolit Solis sa isyu ng hiwalayan nina Derek Ramsay at Andrea Torres. Ang isyu na ito ng break up ng dalawa ay nagsimula nang mapansin ng mga netizens na binura na nila sa Instagram ang kanilang mga larawan na magkasama.

“Medyo na sad naman ako Salve sa balita na nag break na sila Derek Ramsay at Andrea Torres. Kasi para naman very much in love sila sa mga photos na nakikita ko, at talagang they look good together,” ani pa nga ni Lolit sa isa niyang Instagram post.

Base sa mga kumakalat sa social media, isang pag-aaway umano ng dalawa na hanggang ngayon ay hindi pa rin naaayos ang dahilan ng kanila raw hiwalayan. Mayroon ding iilan na nagsasabing si Derek ang may kasalanan ng hiwalayan nila ng Kapuso actress.

Ngunit, para kay Lolit ay hindi raw siya naniniwala na hindi sineseryoso ni Derek si Andrea. Kita niya naman umano na maayos ang kanilang relasyon at masaya ang dalawa. Kaya naman, hiling ni Solis na maisalba pa ang relasyon nina Derek.

“Parang ang ganda ganda naman ng relasyon nila at happy sila. Lagi pa nga nababanggit na pati mga pamilya nila approve sa kanilang love affair. Hindi ako naniniwala na hindi seryoso si Derek kay Andrea, dahil kita mo na very proud at loving siya pag kasama niya ito. Kahit si Andrea kita mo rin na seryoso sa kanilang relationship,” dagdag pa nito.

Positibo ang showbiz columnist na maaari pang maayos kung anuman ang problema na mayroon sina Derek at Andrea. Baka kailangan lang din ng space ng dalawa kaya nangyayari ito ngayon sa kanilang relasyon. Ani pa nga ulit ni Lolit,


“Kung meron man kinks o problema sana maayos nila, mapag usapan , ma save ang relasyon kasi nga sayang ang emosyon na invest , iyon naging maganda nilang pagsasama. Baka konti lang naman ang misunderstanding at maayos pa…

“Walang pressure at malay mo ito ang maging dahilan para mas tumibay pa ang love nila. Baka dahil dito mas makilala nila ang side ng isa't isa. Give them a little space, iyon lang.”


Gayunpaman, kung hindi na raw talaga kayang maisalba ang relasyon ng dalawa ay kailangan daw na irespeto ito ng publiko. Payo na lamang ni Lolit sa mga ito na pag-isipan ang kanilang desisyon at gawin kung ano ang mas nakakabuti para sa kanila.

“At kung talaga hindi ma save, irespeto natin ang desisyon nila, and pray na sana malagpasan nila at makita nila ang happiness na hanap nila kahit hindi na sila. Just make the best decision for yourselves, Derek and Andrea, no pressure, only the best for both of you,” saad pa ni Lolit.


Sa kabila ng maingay na isyung ito tungkol kina Derek at Andrea, tikom pa rin ang bibig ng dalawa sa kung ano nga ba ang tunay na estado ng kanilang relasyon. Hindi man nagsasalita tungkol dito, tumutugon naman si Derek sa mga nag-iiwan ng negatibong komento tungkol sa isyu.

Source: gmanetwork

Source: Happening Philippines

Post a Comment