Posts

TINGNAN: Ang Transformation at Glow Up ng Child Star na si Clarence Delgado

 


Usap-usapan ngayon sa mga netizen ang mga bagong larawan ng child star at Goin’ Bulilit alumni na si Clarence Delgado. Sa naturang mga larawan, makikita ang kakaibang pagbabago kay Clarence na ngayon ay binatang binata na.

Kung dati rati ay cute na cute ang marami kay Clarence at kilala ito sa pagiging chubby, ngayon ay hindi lamang cute kundi gumwapo na rin ang teenager na ngayong si Clarence. 

Sa naturang mga larawan nito, makikita ang pagbawas sa timbang ng batang aktor at maging ang pagtangkad nito. Ibang-iba at mas lalo pang gumwapo ngayon ang 15 taong gulang nang si Clarence.

Kaya naman, hindi magkamayaw ang mga netizen lalong lalo na ang mga sumubaybay sa paglaki nito. Hindi akalain ng mga ito na ang dating child star na kinagiliwan ng marami ay isa na ngayong binata. Ikanga nila, napakabilis na talaga ng panahon.

Dagdag pa ng mga ito, mukhang tumatanda na raw talaga sila dahil ang mga batang cute na cute na napapanood nila dati sa telebisyon ay binatang binata at mga dalaga na ngayon. 

Heto ang ilan pa sa mga ibinahaging komento ng mga netizen tungkol sa nakakamanghang glow up na ito ni Clarence:

“Wow grabe transformation ni Clarence. Ang laki ng pinayat, infairness hindi kana cute. Pero ang guwapo niyaaaaaa! Binata ka na talaga at masakit man isipin, tumatanda na ako hahaha.” 

“Wow ang galing naman. From cute tabachingching to poging teens. Good job.”


“Luh binatang binata ka na, Clarence. Ang pogi mo pang bata ka. Gigil na gigil ako sa’yo ‘nung nag-uumpisa ka palang sa showbiz.”

“Grabe, parang kelan lang napapanood kita sa Goin Bulilit. Ngayon binata kana. Bilis talaga ng panahon.”


“Malalaman mong tumatanda ka na talaga ‘pag nagsisilakihan na mga child stars na pinapanood mo lang dati sa TV.”

Unang pumasok at nagsimula sa showbiz si Clarence noong sumali ito sa Hit Kiddie Reality Talent show na Star Circe Quest noong 2011 kung saan, ito ang hinirang na The Male Winner. Mula dito ay nagsimula nang makilala si Clarence at makita sa iba’t-ibang mga programa sa telebisyon at minsan ay sa pelikula.


Pinaka nakilala ito bilang isa sa mga mainstay ng gag show na Goin’ Bulilit. Nakasama niya rito ang ilang pang mga child star tulad nina Mutya Orquia, Izzy Canillo, at iba pa. Isa lamang si Clarence sa mga naging bahagi ng Goin’ Bulilit na ngayon ay mayroon nang matagumpay na karera. Ang mga aktres na sin Kathryn Bernardo at Julia Montes ay ilan din sa mga pareho nitong nagsimula rin sa Goin’ Bulilit ngunit ngayon ay mayroon nang malalaking pangalan sa showbiz.


Maliban sa Goin Bulilit, regular ding napapanood si Clarence sa ibat-ibang mga TV shows ng ABS-CBN gaya ng Wansapanataym at madalas din siyang mapasali sa MMK.

Isa rin ito sa mga regular na cast ng sitcom na Home Sweetie Home kung saan nakasama niya ang mga kilalang Kapamilya stars na sina Toni at Alex Gonzaga, Miles Ocampo, Ogie Diaz, John LLoyd Cruz, at iba pa.

Source: facebook

Source: Happening Philippines

Post a Comment