Posts

Gawain 3: SUBUKAN MO! Basahin at unawaing mabuti ang pahayag. Bumuo ng tuntunin batay sa hinihingi ng sitwasyon.



A. May paggalang sa mga magulang
  * Ang huwarang kabataan ay dapat may pag galang , respeto at pagmamahal sa kanyang mga magulang. Upang siya ay tularan ng iba pang kabataan, dahil sa panahon ngayon marami narin sa ating mga kabataan ang walang respeto sa mga magulang hindi na sinusunod ang mga payo ng mga magulang bagkus ang kanilang mga sariling kagustohan na ang sinusunod.

B. Palakaibigan
 * Ang huwarang kabataan ay dapat palakaibigan, marunong makisalamuha sa iba,marunong magbahagi ng kanyang mga kaalaman sa iba,upang ito ay mapakinabangan din ng iba. marunong tumulong kung paano ang kakayahan ng isa ay mapalago,dapat marunong magbigay,gayon din dapat ay marunong magpahalaga kahit sa maliit na bagay.

C. Makakalikasan
  * Ang huwarang kabataan ay dapat makakalikasan. Bilang bata malaki rin ang maitutulong niya sa ating planeta upang ito ay mapangalagaan, tulad ng paghikayat niya sa iba pang mga kabataan upang gumawa ng mga programa upang makatulong sa mas maayos at malinis na kapaligiran.dahil silang mga kabataan din ang magtatamasa nito pagdating ng araw.

D. Makabayan
  * Ang huwarang kabataan ay dapat nagtataglay ng pagiging makabayan, may malasakit at pagmamahal sa kanyang sariling bayan  upang pagdating ng araw siya ang makatulong sa pag unlad ng kanyang bayan at matulungan pang umangat ang ekonomiya nito.



Requested by Marjorie P. Ramos | Siempre Viva Norte, Mallig, Isabela






 

1 comment

  1. very helpful po ito sa aming mga studyante.. thanks a lot po 😊