Viral na Kundoktor Pinakilig ang mga Kababaihan sa Social Media!



Mga imahe mula sa Google


Ano nga ba ang konduktor?

Ang mga konduktor ay katuwang ng driver ng bus sa pagkuha ng bayad, pagpapasakay at pagpapababa sa mga pasahero. Matiyaga silang nakikipagsiksikan sa mga tao, lalo na kung tayuan na, masiguro lamang na lahat ng sumakay ay nakapagpabayad. Subalit anong magiging reaksyon mo kung iniabot mo ang iyong pamasahe sa isang artistahing konduktor?
Muling pinagkaguluhan sa social media ang mga larawan ng isang gwapo at artistahing konduktor na ibinahagi ng isang netizen. Makikitang muli sa kanyang mga larawan ang gwapong konduktor na si “Reynaldo Pichay” na aakalain mong isang modelo. Nakapukaw rin ng atensyon ang caption nito.
“Sakay ng bus, pauwi ng bahay. Na-sight ko si koya, biglang pumintig ang aking placenta.
ME: “Kyah, bayad po…isa, single.” (Inabot ko ang 1k)
KONDUKTOR: “Saan ho ‘to?”
ME: “Ibaba niyo na lang po ako sa bahay niyo. SA BAHAY NIYO, KYAH! Naglayas po kasi ako sa’min. PARANG AWA NIYO NA PO, KYAH! Sa’yo na po ‘yung sukli. SA’YO NA PO AKO! Kyaaaaaaaaah…”


                           Mga imahe mula sa Google


Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon sa mga netizen.
“Ang gwapo naman. Parang magbubus na ako lagi? Hahaha.”
“Masarap mag-commute kapag ganito ang makikita mo. Okay lang kahit traffic. Much better kung siksikan at walang maupuan hahaha.”
“Kung ganito naman kagwapong konduktor, aba, pabalik–balik akong sasakay sa bus maghapon. Akyat–baba ako sa bus, doblehin ko pa pamasahe ko, may keep the change pa!”
“Kilig na kilig ‘pag gwapo, ‘pag pangit akala mo kriminal sa pagpost, kesyo nagchat daw sa kanya (alam n’yo na ‘yun).”
“Sa mundong gwapo lagi ang bida, pasalamat pa rin ako kay Empoy (Kita Kita) dahil sa kanya napansin din ang tulad namin kahit dalawang oras lang.”
“He’s handsome alright, but his girlfriend is one heck of a gorgeous woman, they’re good looking couple, I hope his new found fame doesn’t ruin their relationship in a long run.”
Unang beses na nakapukaw ng atensyon sa lahat at naitampok ang gwapong konduktor noong taong 2017. Nakasuot siya noon ng asul na polo shirt habang nakasumbrero.


Like us on Facebook: Click HERE



Copyright:Definitely Filipino Balita

Post a Comment