Epekto ng Paglalaro ng Mobile Legends sa Aspektong Akademiko ng mga Mag-aaral ng Baitang 9 at 10 sa Mallig National High School

Epekto ng Paglalaro ng Mobile Legends sa Aspektong Akademiko ng mga Mag-aaral ng Baitang 9 at 10 sa Mallig National High School


Image
Image: Shanghai Moontoon


 

Bilang Pagtupad sa Pambahaging Pangangailangan sa Pinal na Proyekto sa Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto tungo sa Pananaliksik

 

 

                                                                  Mga Mananaliksik         

Balmores, Jomar R.

Galamgam, Rency  R.

Navarro, Sony N.

Bermudez, Jenny Rose P.

Bucad, Kathleen Joy T.

Ramos, Marjorie P.

 

Ipinasa kay:

Ginoong Rency Narnola

 

Taong Panuruan 2019-2020



KABANATA 1                                                 

                          ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

Panimula

      Ang mga mag-aaral sa ngayon ay namumuhay sa digital na mundo na kung saan ang teknolohiya ay patuloy na sumisikat. Ang henerasyon sa ngayon ay may akses na sa Internet at sa tulong ng iba’t ibang midyum ng teknolohiya gaya ng elektonikong gadgets at aplayanses ay naging posible ang lahat na mapadali ang mga gawaing bahay. Habang lumilipas ang oras at sa patuloy na pag-unlad ng mga umuusbong na teknolohiya dumating ang multimedia at mayroon ding iba’t ibang mga platporm ng media tulad ng pelikula, radyo at telebisyon na nakapalibot sa atin na ma-aakses sa tulong ng kompyuter at iba pa na naglalagay ng biswal na imahe na naglalaman ng impormasyon. Ang multimedia ay may malaking kontribusyon sa industriya ng aliwan na kung saan ang video game ay nagsimula na patuloy na linalaro ng mga mag-aaral. Ang Mobile Legends: Bang Bang ay isang MOBA na laro. Ito ay ginawa at nilimbag ng Shanghai Moontoon Technology. Ang larong ito ay ginawa at dinesenyo para sa mga mobile phones. Dahil sa ang larong ito ay madaling ma-akses at puwedeng laruin ng kahit sino na nagsasanhi sa mga mag-aaral na gugulin ang kanilang oras na maglaro kaysa sa mag-aral at makisalamuha sa iba. Ang larong ito ay kayang baguhin ang sikolohikal na hanay ng pag-iisip ng mga mag-aaral tulad ng kakulangan ng pokus, at mga isyu sa pamamahala ng galit na nagpapabagal sa kanilang mga isyu sa pamamahala sa oras ng pagganap sa akademya at ito ay ayon sa Digital Games Researcher Association (DiGRA). Sa henerasyong ito ay patuloy na tumataas ang bilang ng mga mag-aaral na naglalaro ng mga Mobile Games gaya ng Mobile Legends:Bang Bang at dahil dito patuloy na nag-iiba ang larawan ng kabataan noon sa ngayon at sa pagdaan pa ng mga panahon kasabay ng pag- unlad ng teknolohiya ang mga hilig at kagustuhan ng mga kabataang mag-aaral ay nag-iiba rin. Maraming kabataang mag-aaral ang nagsasabing sila ay nababagot sa kanilang mga gawain, lalo na sa pag-aaral. Kaya naman ang paglalaro ng Mobile Legends:Bang Bang ang nagbibigay sa kanila ng kasiyahan at ng mapaglilibangan. Maraming mag-aaral ang nagwawaldas ng kanilang pera sa paglalaro ng Mobile Legends:Bang Bang. Ang adiksyon sa Mobile Legends ang nagpapalayo sa mga mag-aaral sa tunay na mundo na kanilang ginagalawan. Ang mundo na dapat lumilinang sa kanilang mga isipan para maging mga propesyonal sa hinaharap. Ito ay nagbibigay ng mga halimbawang hindi nakatutulong sa paghubog ng mga mag-aaral at sa kanilang pagkatuto. Ngunit hindi lahat ay puro negatibo ngunit may positibo ring epekto ang Mobile Legends sa mag-aaral. Ayon sa mga eksperto na nakabase sa Estados Unidos nakakatulong ang online games gaya ng Mobile Legends sa pag-iisip ng mga manlalaro at ayon rin sa parehong pag-aaral ang mga larong kagaya nito ay nakapagpapabilis ng pag-iisip ng mga manlalaro sa iba’t ibang estratehiya sa buhay at maging sa bawat laro na kanilang lalaruhin. Lahat naman ng mga bagay ay may mabuti at masamang epekto. Ang pag-aaral na ito na pinamagatang “Epekto ng Paglalaro ng Mobile Legends sa Aspektong Akademiko ng mga Mag-aaral ng Baitang 9 at 10 sa Mallig National High School” Sa pananaliksik na ito ay bibigyan ng sagot ang ilang mga katanungan tungkol sa epekto ng larong ito sa aspektong akademiko ng mga mag-aaral sa baitang 9 at 10.



Paglalahad ng Suliranin

     Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa kung ano ang epekto ng paglalaro ng Mobile Legends sa aspektong akademiko ng ikasiyam at ikasampung baitang sa mataas na pangnasyunal ng Mallig (MNHS) sa taong panuruan 2019-2020.

   Kaugnay nito, ninanais ng mga nananaliksik na masagot ang mga sumusunod na suliranin:

1.     1.  Ano – ano ang mga demograpikong detalye ng mga respondante batay sa:

a.       Edad

b.      Kasarian

c.       Araw-araw na alawans

2.    2.   Ilang minuto / oras ang ginugugol ng mga estudyante sa paglalaro ng Mobile Legends?

   a. 30 minuto pababa

   b. 1 oras

   c. 2 oras

   d. 3 oras

   e. 4 oras pataas

3.     3.  Gaano kadalas naglalaro ng Mobile Legends ang mga mag-aaral?

   a. Araw-araw

   b. Dalawa hanggang apat na beses sa isang linggo

   c. Limang beses pataas sa isang linggo

 

4.     4.  Ano ang epekto ng Mobile Legends sa akademikong grado ng mga mag-aaral?


Mga Haypotesis

1. Ang paglalaro ng Mobile Legends ay nakakaapekto sa aspektong akademiko sa mga mag-aaral ng ika-9 at 10 baitang ng Mallig National High School.

2. Walang masamang epekto ang paglalaro ng Mobile Legends sa aspektong akademiko sa mga mag-aaral ng ika-9 at 10 baitang ng Mallig National High School.


   Para sa kumpletong pananaliksik. 

Maari niyong bisitahin ang aming Facebook page na nasa ibaba nitong article! 


Parara sa tamang pagkopya!

 I-message lamang ang aming facebook page! Ang sinumang mahuling mangopya nitong pananaliksik ng walang pahintulot sa may-ari ay maaring maparusahan ayon sa batas! 

Plagiarism is a crime!



Bumili ng Research sa amin via Facebook!

Sa halagang 200 Pesos lamang!




P


Post a Comment